ARTICLE
Ilang Tips sa Pag-asikaso ng mga Responsibilidad
ROGIN-E®
Sa bilis ng panahon, natural lang na ma-overwhelm ka. Sa dami ng kailangan asikasuhin, mula sa trabaho hanggang sa pamilya, at iba pa, nauubusan ka ng oras para makahinga. Nakaka-drain ito! Kung napapabayaan, hindi ka lang mawawalan ng oras. Posibleng malalampasan ka ng mga opportunity, magkaroon ng dagdag na problema, o ‘di kaya’t mabigo sa mga kailangan gawin.
Sa tulong ng time management, magagawa mo lahat ito.
Bumuo ng Plano Bawat Araw
Isa sa mga pinakamagandang paraan para maging organized ang pagbuo ng daily plan o schedule, at subukang sundin ito nang mabuti. Kahit nga ang pagbuo ng simpleng to-do list ay nakakatulong sa pag-aayos ng iyong mga gawain.
Pero, paminsan-minsan ay may mga bagay na hindi mo inaasahan na mag-pop up. Kung nakakaapekto ito sa balak mo, huwag mag-alala! Kayang-kaya rin ang pag-adjust ng to-do list o schedule mo habang tumatagal ang araw. Asikasuhin mo nalang ang mga naiwang non-urgent na mga bagay sa kinabukasan.
Mag-schedule ng Oras na “Do Not Disturb”
Hadlang sa productivity ang mga abala o interruption. Nakakawala ng focus ang walang katapusang mga email at notifications.
Para maiwasan ang ganitong mga hadlang, mag-schedule ka ng panahong “do not disturb.” Sapilitang iiwasan mo ang mga email at social media, para wala kang distraction habang inaasikaso mo ang mga mahalagang tasks. Pwede mo rin gamitin ang “do not disturb” time para makasama mo ang iyong mga anak, tumugon sa isang hobby, o samahan ang iyong kasintahan.
Magandang i-schedule ang panahong “do not disturb” ng isa o dalawang oras, lalo na sa sa umaga bago pa online ang mga katrabaho o kasama mo.
Gumamit ng Time Management Tools
Habang hadlang ang technology paminsan-minsan, maaari ring manggaling dito ang solusyon.
Kung balak mong mag-organize ng mga mahalagang document, marami ka nang option para sa mga storage service at website. Kung kailangan mong kausapin ang iyong mga katrabaho, mayroon ring mga messaging app para sa trabaho. Malaking bagay ang mga project management applications at platforms para mabisa ang usapan ninyong magkatrabaho.
Alalahanin na Tao Ka
Mabilis na sabihing ibibigay mo ang lahat, sa lahat ng inaasikaso mo, sa bawat oras ng bawat araw. Pero, mahirap itong panindigan. Limited ang stamina at lakas ng loob, at nakakadala sa burnout ang tuluyang paggamit nito. Alalahanin mong mahalaga ang pagpahinga sa kahusayan mo. Ang tamang pahinga ang nagdadala sa iyong pagtrabaho, araw-araw.
Para mas lalong optimized ang kahusayan mo bawat araw, narito ang Multivitamins + Minerals + Dimethylaminoethanol (Deanol) + Royal Jelly + Panax ginseng (Korean Panax Ginseng) Root Powder [Rogin-E]: ang multivitamin para sa mga masipag na tao tulad mo. Nakakatulong ang Korean Panax Ginseng sa physical at mental endurance laban sa panghihina, with proper diet and exercise.
Malaking bahagi ng iyong pagiging matagumpay na lalaki ang pag-aasikaso ng maraming responsibilidad. Sa tulong ng tamang pagplano, mga tools at applications, at mabuting nutrition, kayang-kaya itong lahat. Asikasuhan mo lang ng paunti-unti, tulad nating lahat.
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC Reference No. B0068P060524R