ARTICLE
Quality ba o Quantity ang mas Mahalaga sa Relationship?
ROGIN-E®
Pag dating sa relationship, mas mahalaga ba ang quantity o quality?
Walang duda naman na quality ang sagot. Tingnan mo lang ang mga mutual mo sa social media. Ilan ba sa daan-daan o libu-libong kakilala mo rito ang matuturing mo na ka-close?
Pero, mahalaga rin ang quantity. Paano mo ipapaliwanag sa iyong anak na bibigyan mo siya ng iyong lubos na atensyon habang naglalaro sa loob ng kalahating oras, kumpara sa iilang sandali sa buong araw kung saan magkatabi kayo at kumakain kayo ng sabay?
Siguro, hindi ito laban ng quantity at quality, at mas mabuti pang ipagsama sila. Gawing quality ang mga panahong quantity. Ipalalim mo ang mga panahon at sandaling kayo ay magkasama. Mas lalo pang mabubuo ang mga relationship mo, lalo na sa mga taong mahalaga sa buhay mo.
Magsimula o makisali ng mga bagong ganap o activity
Kung nais ng partner mong magluto ng bagong recipe, o kung may panibagong librong binabasa ng anak mo, o kung niyayaya kang magkipag-virtual workout sabay ng barkada, makisali ka na! Pabigyan mo na sila ng kahit iilang oras, para maipapakita mo na magkasama kayo sa kanilang interest. Mapapabuti pa ang iyong relasyon, at nakasubok ka pa ng panibagong bagay.
Go Gadget-Free
Masaya naman ang panonood ng mga movie at shows, pero maaari mo rin gamitin ang panahong magkasama kayo para makipagkuwentuhan. Mag-catch-up kayo ng partner mo, o magsimula ka ng bagong project kasama ng anak mo. Ibigay mo ang iyong oras at attention sa mga mahal mo sa buhay, maski maikli o mahaba ang kaya mong ibigay. Itong mga panahon ang hindi mababawi.
Maging creative
Kung nagtatrabaho ka sa opisina at work from home ang set-up ng partner mo, kumustahin ninyo ang isa’t isa during breaktime o bago mag-meeting! Samahan mo muna ang mga anak mo habang naglalaro o nag-aaral sila! Kahit sandali lang ang panahon, malayo ang maabot ninyo gamit ng creativity.
Para tuloy ang stamina mo sa laro ng quality at quantity, narito ang Multivitamins + Minerals + Dimethylaminoethanol (Deanol) + Royal Jelly + Panax ginseng (Korean Panax Ginseng) Root Powder [Rogin-E]. Nakakatulong ang Korean Panax Ginseng sa physical at mental endurance laban sa panghihina, with proper diet and exercise.
Magkaroon ng stamina at ang kakayahang mapabuti hindi lang ang kalusugan mo kundi ang mga relationship mo rin. Mahalaga ang oras, kaya sulitin na natin!
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC Reference No. B0067P060524R