ARTICLE
Mag-Workout na Para sa Matibay na Stamina at Malakas na Katawan
ROGIN-E®
Ngayon ang tamang panahon para i-push ang sarili sa pagpapaganda ng katawan; sino ba’ng hindi magiging masaya sa mas toned na katawan, 'di ba?
Pero hindi naman kailangang gumastos nang malaki para sa mga mamahaling gym equipment. Meron nang mga libreng apps, at mga online videos na handang magbigay-inspirasyon sa pag-workout.
Kaya huwag nang magdahilan; mag-workout na tayo!
Push-up Variations
Simulan mo muna sa regular push-up, pero dapat tama ang iyong form. Kapag na-master mo na ito, pwede mo nang subukan ang iba't ibang variation para i-challenge ang iyong sarili, tulad ng wide-grip, close-grip, diamond, pike, at clap; iilan lang ang mga ito sa mga maraming variation na maaaring gawin.
Burpees
Isa ito sa mga sikat na workouts na kadalasang kasama sa mga exercise WoD (o Workout of the Day), at may dahilan kung bakit. Bilang isang workout move na nagpapagalaw ng lahat ng parte ng katawan, kailangan mo ng lakas, plyometrics, at conditioning para tumagal at makadagdag sa number of reps.
Plank Variations
There’s nothing quite like a plank to make you question the concept of time. Kapag nasa plank position, ang 60 seconds ay parang isang habambuhay. Siyempre, dahil sa gravity. Pero aminin naman natin na talagang kailangan ito para bato-level na core strength, 'di ba?
Body Squats
Basic itong movement, at kailangan itong pag-practisan sa kahit anong sport. Ito’y nagpapalakas ng quadriceps, hamstrings, binti, abs, lower back, at glutes. Kung nabo-bore ka na sa bodyweight squats, pero walang gym equipment sa bahay, don’t worry, try mo ang mga ito: mag-squat gamit ang mga bote ng tubig, bote ng mantika, o kaya ipatong ang isang paa sa likod ng sofa para sa Bulgarian Split Squats. Maraming variations ng squat ang pwedeng subukan, kaya go lang at i-challenge ang iyong sarili.
Tricep Dips
Mas mabigat at mas mas mahirap itong gawin the lower you go. Simulan mo sa mesa; tapos bumaba nang kaunti gamit ang upuan, o mababang stool. Hindi lang ito para sa triceps (kahit na ito mismo ang pangalan ng workout move), kundi nakatulong din ito sa mas malakas na balikat at pecs.
Upang makadagdag sa tinatawag na "gains" sa katawan at para manatiling malusog, huwag kalimutan ang tamang diyeta at multivitamins, kasabay ng pagwo-workout.
Ang Multivitamins + Minerals + Dimethylaminoethanol (Deanol) + Royal Jelly + Panax ginseng (Korean Panax Ginseng) Root Powder [Rogin-E] ay may Royal Jelly para sa everyday vitality at stamina, with proper diet and exercise. Sino ba naman ang hindi gusto nito?
Kaya now's the time na magpalakas ng iyong katawan gamit ang iyong bodyweight lamang. At kung may time and budget, mag-enroll na sa gym o kaya sumali sa mga races na nauuso muli.
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC Reference No. B0111P060424R